Announcement

Announcement Module
Collapse
No announcement yet.

Recognition as Filipino Citizen

Page Title Module
Move Remove Collapse
X
Conversation Detail Module
Collapse
  • Filter
  • Time
  • Show
Clear All
new posts

  • Recognition as Filipino Citizen

    Good day po sa lahat. Dual Citizen po ako dati. Nung nasa tamang edad na po ako, nagdeclare na po ako ng pagka Japanese Citizen ko sa Japanese Embassy ng Manila. Pumunta ako ng Japan gamit ko ang dalawang passport ko (Japanese at Philippine passport) sa paglabas ng Philippine Airport pero pagdating ng Japan, Japanese Passport lang kasi nga walang dual citizenship at yun ang law nila. Mahigit 4 na taon ako nakatira doon pero pabalik balik ako ng Pilipinas para sa mama ko Pilipina. Hindi na rin magagamit ang Philippine Passport dahil hindi lang sa expired ito kundi Japanese citizen na ako. Pero gusto ko muna magstay sa Pinas for good kaya nag apply po ako ng 'Recognition as a Filipino Citizen'. Nagsubmit ako ng mga requirements at habang nasa Immigration kami para maisa na ang pamamalakad at dahil sa layo address namin, nagrequest po kami ng 'early hearing' sa abogado. Mejo nalito daw yung abugado bakit daw ako magparecognize dahil nawala na daw ang pagka Filipino at nagdeclare na sa pagka Japanese. Pero ang purpose sa Filipino recognition ay dahil ituloy ko yung profession ko na natapos ko sa college. At ok na ang pagsubmit kasali na yung pag fingerprinting at ID photo picture. Waiting nalang po kami sa releasing mga 3 buwan at nagfofollow-up po kami sa tawag pero sabi daw ng staff dun "still review" at "dismiss: daw at yan po ang kinabahan namin. Problema ko po dito ay 'baka ma reject nila yung request ko'. Sayang ang lahat. Hanggang December pa naman ang stay ko dito Pinas pag balikbayan lang at babalik ako sa Japan at di matupad yung pangarap ko.

    Sino po nakaranas sa mga pagrequest ng ganito sa mga hindi na minor age? Hope makatulong po kayo sa mga experience dito. Maraming salamat po.
    Last edited by Japi; 06/28/2017, 04:35 PM.

  • #2
    Up. Sumagot naman kayo.

    Comment

    Working...
    X