Announcement

Announcement Module
Collapse
No announcement yet.

Pagkokolehiyo ng mga anak..pano nyo pinaghahandaan?

Page Title Module
Move Remove Collapse
X
Conversation Detail Module
Collapse
  • Filter
  • Time
  • Show
Clear All
new posts

  • Pagkokolehiyo ng mga anak..pano nyo pinaghahandaan?

    Sabi nila napakamahal mgpaaral ng college ditoun mga iba halos mangutang pa mapangaral lang mga anak..sa may mga malilit pang mag anak pano nyo panghahandaan pagkokolehiyo ng mga anak nyo?napaisip kasi ako bigla gusto ko pa kasi pang dagdagan baby ko para 2 na sila pero pag naiisip ko ppano ko sila mpagaaral kung isa nga lang marihap na pano pa kaya dalawa?kayo mga misis/mister ppano paghahandaan pagkokolehiyo nila?
    masaya ako dito..

  • #2
    Hi ! Ang anak ko nasa kinder (youchien) pa lang. Ang ginagawa namin as parents meron monthly savings para sa anak on a separate account . Very expensive dito ang pagpapaaral sa college/university. May mga mothers din na nagtatrabaho part time usually, meron din full time, para malaki maiipon. Start saving now, the earlier the better. Gambatte ne...
    Last edited by chocobee; 12/28/2011, 09:15 PM.

    Comment


    • #3
      medyo mabigat magpaaral dito,sa elementary at high school may gastos in pero di kasinlaki ng sa kolehiyo.maliban na lang kung sa private/intl school siguro

      Si Pareng Estong meron yan papasok sa kolehiyo,siguro mga 500 lapad mahigit gagastusin nyan for 1 year hehehe,di bale malaki naman sweldo nya e

      Yung anak ko bale vocational lang kinukuha for 2 years,medical assistant/sec.yata tawag dun hehehe senya na di ko maintindihan ang nihongo ng dalaga ko e,120 to 140 lapad isang taon

      Comment


      • #4
        Yuminel 2510,eto ang ginawa ko at ng misis ko para sa pagkokolehiyo ng anak namin.Ngayon kasalukuyan na siyang subsob ulo sa pagre-review gamit ang juku na binayaran din namin ng 500,000 yen para lang maabot ang level ng university na gusto niyang pasukan(Meiji University ang target niya na isang high standard university dito sa japan).Maliban pa diyan sa bayad sa juku ay ang actual na matrikula niya for the whole 4 years sa college na tumatanginting na 7,000,000 yen plus.Iyan ay inipon namin at inihanda para sa kanyang pagko-college.Maliban pa diyan ay kinuha namin siya ng Kodomo Hoken.She is now 18 years old at makikipag-exam na siya sa Meiji University I think by January.Maliban pa doon ay makikipag-exam din siya sa iba pang University in case na di siya makapasa sa Meiji ay may mapapasukan siyang iba.Last week ay nag-exam na siya sa Kanagawa University(wala pa ang result) na may libreng matrikula para sa mga matatalinong estudyante.Pero sabi niya kung makakapasa siya sa Meiji University sa Meiji siya papasok kahit malibre pa siya sa Kanagawa University dahil sa mas mataas ang level o kalidad ng Meiji kaysa sa Kanagawa University.Sabi ni misis eh,kung gusto daw ninyong paghandaan ang pagkokolehiyo ng mga anak ninyo.....pagkasilang pa lang ay magsave na daw kayo ng 30,000 yen every month hanggang sa umabot siya ng 18 years old para mag-college.Hehehehehe iyan ang ginawa namin.Kaya ngayon eto kahit pagod na at matanda na atleast naihanda na namin ang para sa pagkokolehiyo ng aming nagiisang anak na dalagita.Talagang di biro kaya tama na ang isang anak hehehehehe huwag nang dagdagan pa para menos gastos.Goodluck sa pagiipon....umpisahan ninyo na ,mula bukas hehehehe.
        Last edited by Estong; 12/28/2011, 10:16 PM.
        Hindi ako pogi,mabait lang.

        Comment


        • #5
          Originally posted by vectra1123 View Post
          medyo mabigat magpaaral dito,sa elementary at high school may gastos in pero di kasinlaki ng sa kolehiyo.maliban na lang kung sa private/intl school siguro

          Si Pareng Estong meron yan papasok sa kolehiyo,siguro mga 500 lapad mahigit gagastusin nyan for 1 year hehehe,di bale malaki naman sweldo nya e

          Yung anak ko bale vocational lang kinukuha for 2 years,medical assistant/sec.yata tawag dun hehehe senya na di ko maintindihan ang nihongo ng dalaga ko e,120 to 140 lapad isang taon
          Pareng Vectra,okay na at naihanda ko na ang lahat kaya eto at kuba na ako sa pagod at overworked hahahahaha.Uwaaahhhhhh ang laking halaga talaga.Uyyyy.....may loan pa ako sa bahay ko ha till spring pa next year by then tapos na ang loan ko at sarili ko na ang bahay at lupa namin dito sa japan hehehehe.Kampai tayo pare.Sana makatapos ng maluwalhati ang mga dalaga natin.Gambarimashoo.
          Hindi ako pogi,mabait lang.

          Comment


          • #6
            Mod Estong sobra stress yata ninyo sa work kaya nabungi na kayo, biro lang he-he, funny ang avatar ninyo.

            Anyway, chugakko pa lang may juku na aabot yata 3lapad monthly. Teka kung ganyan kalalaki gastos sa schooling paano kaya itong neighbor ko madalas ko din kakwentuhan japanese mom with 4 kids, sunod-sunod ang edad ng mga anak 7-5-4-3. Sabagay kahit sa atin sa pinas grabe din ang mahal ng school expenses kapag sa de kalidad na school. Kaya dapat magsave na ngayon pa lang, investment din kase ang education ng mga anak, magagamit nila yan for better employment.

            Comment


            • #7
              Originally posted by chocobee View Post
              Mod Estong sobra stress yata ninyo sa work kaya nabungi na kayo, biro lang he-he, funny ang avatar ninyo.

              Anyway, chugakko pa lang may juku na aabot yata 3lapad monthly. Teka kung ganyan kalalaki gastos sa schooling paano kaya itong neighbor ko madalas ko din kakwentuhan japanese mom with 4 kids, sunod-sunod ang edad ng mga anak 7-5-4-3. Sabagay kahit sa atin sa pinas grabe din ang mahal ng school expenses kapag sa de kalidad na school. Kaya dapat magsave na ngayon pa lang, investment din kase ang education ng mga anak, magagamit nila yan for better employment.
              Hehehehe pangit na nga ako nabungi pa nyahahahaha.Ok lang,mabait naman ako eh.
              Chokcobee,tama ka hehehehe noong bago makipag-exam ang anak ko para sa high school doon sa gusto niyang school ay nagjuku din siya at 300,000 yen ang binayaran namin sulit naman dahil nakapasa siya sa gusto niyang school.Masyadong mahilig sa high standard school ang anak ko sabagay halos lahat naman ng estudyante ganun kaya lang yung iba wala sigurong means para makapagjuku kaya doon na lang sila sa medyo mababa pero ok lang naman iyon basta ba makatapos eh.
              Nakupo!Malabo ang pagka-college ng mga anak ng kapitbahay mo maliban na lang kung ang asawa ay may sobrang laki ng sahod.Dito sa japan,mahirap ang may anak kahit isa lang kung ang pagka-college ang iisipin pero kung di iisipin iyan eh...sige,anak na lang ng anak hehehehe kaso papaano ang kinabukasan ng mga bata laluna ngayon mas kailangan na dito sa japan ang may pinagaralan di tulad noon na kulang sila sa workers ngayon ang kulang ay trabaho.Yung kasama ko sa trabaho anak niya 2 lang pero sabi niya di niya papag-aralin sa college tama na daw ang high school kasi di daw niya kaya hehehehe kawawang mga bata 10 and 8 years old pa lang parehong lalaki pa naman na susunod na Padre de Familia.Hay naku!
              Hindi ako pogi,mabait lang.

              Comment


              • #8
                ikuha mo ng Educational Insurance ang anak mo payable for 15yrs sa Kampo Hoken Post office ganyan ang ginawa ng in laws ko sa anak ko since birth ..

                yes nd birong mag paaral dito .. ung kindergarden meron private at public sch yan dahil meron Educational Plan ang anak ko kaya maipasok namin sa private sch. 15 lapad for 3 years na un pero meron bumabalik na almost 1 lapad a month galing sa city hall

                elementary at jr high school pde ng govt school dyan .. pero pag dating ng SR High Sch kung kakayanin ng budjet nyo i must suggest ipasok sya magandang school para kapag gusto nyang pumasok ng College nd na nya kailangang pag daanan ang nakaka stress na entrance exam .. ung school na mismo ang back up niya para maka pasok sa mga leading na colleges dito

                gaya ng anak ko kagaga graduate lang ng Sr High last Feb 17 sa HORIKOSHI GAKUEN (230 lapad ang total ng tuition at misc fee dyan) sagot ng Educatinal Plan lahat yan dahil kung nd baka lumuhod kami sa gastusin at public sch lang sya graduate

                Mid Jan 2012 nag nayanderu na sya kung saan sya papasok ng College .. kahit jisshin mottenai sya pikit mata Tokyo Univ. ganyan kalakas ang chikara ng HORIKOSHI GAKUEN sabi ko WASEDA na lang kaso sobrang high standard ang WASEDA bka nd nya kayanin ang pressure nd naman ako mag aaral dun kaya pinaubaya ko na sa kanya ang desisyon maliwanag na 850 lapad ang bayarin .. at dahil ulet sa Educational Plan kampante kami at tapos na lahat ang bayarin pasukan na sa April
                080-6599-7172 (AU) and Viber

                https://www.facebook.com/titakoring

                T/M PHARMA CO (Distributor / Wholesaler)

                https://www.facebook.com/regz20

                http://regz2wenty.sulit.com.ph/

                Comment


                • morita
                  morita commented
                  Editing a comment
                  sis mgkno monthly hulog mo nun sa educ.insurance ng anak nu po, kc sabi mo nga po nsa 850 lapad at 230 lapad kamo?!

                • morita
                  morita commented
                  Editing a comment
                  sis mgkno monthly hulog mo nun sa educ.insurance ng anak nu po, kc sabi mo nga po nsa 850 lapad at 230 lapad kamo?!

                • morita
                  morita commented
                  Editing a comment
                  sis mgkno monthly hulog mo nun sa educ.insurance ng anak nu po, kc sabi mo nga po nsa 850 lapad at 230 lapad kamo?!

              • #9
                @titakoring: Saan po tayu maka apply ng educational plan? sa city hall rin po ba or other insurance company po yan? Ano po pangalan ng insurance company? monthly po ba yan or annual po? magkanu nmn po if monthly? if annual?
                Tapos requirments po?..

                Wanna know po para may kadagdagan information in hte future..
                Go confidently in the direction of your dreams. Live the life you have imagined.
                Facebook account: https://www.facebook.com/kawaiionlinejp

                Comment


                • #10
                  ang alam ko sa Post Office merong GAKUSHI HOKKEN nd sa city hall .. punta ka na lang ng Post Ofice dun ka mag inquire or sa ibang insurance comp. mas masasagot nila ang gusto mong alamin


                  Originally posted by juliemarie View Post
                  @titakoring: Saan po tayu maka apply ng educational plan? sa city hall rin po ba or other insurance company po yan? Ano po pangalan ng insurance company? monthly po ba yan or annual po? magkanu nmn po if monthly? if annual?
                  Tapos requirments po?..

                  Wanna know po para may kadagdagan information in hte future..
                  080-6599-7172 (AU) and Viber

                  https://www.facebook.com/titakoring

                  T/M PHARMA CO (Distributor / Wholesaler)

                  https://www.facebook.com/regz20

                  http://regz2wenty.sulit.com.ph/

                  Comment


                  • #11
                    sa amin naman po ang baby namin isa palang nasa youchien palang siya 2 years old...sa panahon din kasi ngayon kailangan talagang mag isip2x lalo na pahirap ng pahirap po talaga...Bale sa amin naman po ni hubby,simula palang 1 month old palang siya yung nakukuha namin na allowance niya sa Bank na mismo ng anak namin tinatransfer ni Hubby yung Pera.Kinuhanan namin siya para naman pag mag college siyang meron siyang na iipon na incase man dadagdagan nalang namin at laking tulong narin po ,at kung sakaling mag kaka baby kame ulit same din ang gagawin namin...

                    Comment


                    • #12
                      Congrats Tita Koring!May College ka na rin hehehehe.Ang anak ko di nakapasa sa Meiji University pero nakapasa sa Tokyo College of Agriculture na second choice niya at sa Keisen University na women's university.Ang pinili niya ay ang Tokyo College of Agriculture kasi mas mataas ang kalidad.Kaso lang ang problema eh di daw niya matatanggap na di siya pumasa sa Meiji University kaya next year ay magtetest siya ulit sa Meiji kapag nakapasa siya lilipat daw siya sa Meiji hehehehe ambisiyosa talaga.Ngayon nagbayad na kami ng paunang bayad na 800,000 yen at bago ang pasukan 500,000 yen yata then ikakasa na namin yung natitira na suma tutal na 7 million yen sa buong pagko-college niya(gusto ko kasi bayaran ko na ng cash para wala nang iniisip pa).
                      Mga kapatid sa pananampalataya.....ihanda na po ninyo ang pagko-college ng mga anak ninyo para sa kanilang magandang kinabukasan....gambatte po!
                      Hindi ako pogi,mabait lang.

                      Comment


                      • #13
                        Originally posted by juliemarie View Post
                        @titakoring: Saan po tayu maka apply ng educational plan? sa city hall rin po ba or other insurance company po yan? Ano po pangalan ng insurance company? monthly po ba yan or annual po? magkanu nmn po if monthly? if annual?
                        Tapos requirments po?..

                        Wanna know po para may kadagdagan information in hte future..
                        sis sa post office may insurance sila for gakushin hokken kinuha ko dyan dalawa kong anak ang babayaran every month sa isang bata eh 12,600 yen depende po sa edad yan pag may edad na yung bata na pinasok nyo sa Jp insurance mas mahal ang babayaran nyo monthly,pinasok ko sila dyan ng tumuntong sila sa edad na 3 years old kaya medyo mura pa ang monthly bale silang dalawa 25,200 yen ang binabayaran namin kada buwan,pag tumuntong sila ng 12 years old may makukuha ang anak ninyo na 20 lapad at pag 15 years old 20 lapad ulet makukuha pag tumutuntong sila ng 18 years old 160 lapad ang makukuha nila..actually kulang pa yan pag nasa college na sila kaya ginawa namin magasawa kumuha rin kami ng tsume tatte parang time deposit dito sa Japan..
                        Pag naginquire po kayo sa post office about gakushin hoken may papupuntahin silang insurance agent sa bahay ninyo para iexplain yung insurance plan or package na gusto ninyo,kung ok sa inyo ang deal kailangan ihanda nyo lang ang hanko ninyo at yucho tapos may susulatan kayong application paper na dala nila...
                        wala pong gakushin hokken sa city hall meron lang sila shogaku kin eto yung pag nagcollege ka at wala kang pera pwede kang manghiram ng pera sa city hall pero babayaran mo ito pag nagtatatrabaho ka na...
                        "Be a girl with a mind,a bitch with an attitude,and a lady with a class."

                        Comment

                        Working...
                        X