Announcement

Announcement Module
Collapse
No announcement yet.

Passport Renewal at Philippine Embassy Tokyo

Page Title Module
Move Remove Collapse
X
Conversation Detail Module
Collapse
  • Filter
  • Time
  • Show
Clear All
new posts

  • Passport Renewal at Philippine Embassy Tokyo

    Hello!

    Gusto ko lang ishare ang latest experience ko sa passport renewal.
    Nag renew po ako ng passport last Mar 1, 2017. Nagpalit po kasi ako ng last name, kaya nagparenew ako ng passport.
    Noong nag-renew ako ng passport, pinabutasan ko na ang old passport ko kasi wala naman akong plano magtravel.

    So after waiting for 2 months, wala pa din ang new passport ko.
    So nagdecide ako na tawagan ang embassy ngayong May 10 upang ifollow up ang status ng passport renewal ko.

    After dialing the telephone number na nakalista sa website, medyo matagal bago nila sagutin ang telepono.
    Pero patience lang dahil kailangan ko talaga ifollow up dahil matagal na ako nag-aantay ng passport.
    Sabi ng nakausap ko sa telepono, tatawagan nila ako to give feedback sa status. Hiningi nila ang last name, first name, at telephone number ko. I think tinanong din nila kung may butas na old passport ko.

    So tinawagan din nila ako after 1 hour siguro, sabi nila nasa kanila na daw ang passport ko. Subalit, hinihintay daw nila old passport ko para butasan, so ang sabi ko butas na ang old passport ko kaya hindi din ako nag-iwan ng hagaki during renewal process. Sa palagay ko nagkamali sa pagmarka yung nagprocess ng application ko, at hindi nailista na nabutasan na ang pasaporte ko.
    So, sabi ng kausap ko email ko daw scan copy ng old passport at once naconfirm nila, ipapadala nila new passport ko.

    End of story. Mamayang gabi when I get home, email ko sa kanila ang passport ko and hopefully masend nila agad ang new passport.

    Wish ko lang sana:
    1. Sana ininform ako ng embassy na nasa kanila na ang passport ko para naiwasan ang nasayang oras na pag-antay.
    2. Kung hindi nila kaya inform ang passport applicant, sana man lang may madaling paraan para macheck ang status ng passport application. May link sa tokyo philippine embassy website ng pagcheck ng status ng application, subalit hindi sya gumagana. Ilang beses ko na natry pero walang resultang lumalabas.



    services offered: paypal / credit card pabayad / airline booking (cebupac, jetstar, pal, delta, etc) , pabili (sa online shop / auction), translation, pc remote assistance, website

    no calls nor text after 8pm, yasumi time after 8pm..

  • #2
    update po? nag renew din ako ng passport last month, saktong 1 month pinadala na sa akin yung new at old na may butas.. 5 years lang binagay..akala ko 10 years na yun.. sa osaka pala ako nag renew..may pina fill up din pala sa akin na tungkol sa pag vote ba yun? required na daw lahat..

    Comment


    • #3
      Hindi pa approved yung bill for ten years
      So five years pa dn ang validity.
      Shinip na nila today pssport ko
      dapat after one month p lang finillow up ko na dn para mas maaga ko nareceive yung passport.

      Yes, ako dn pinafill up doon sa voting section. Sabi ko registered voter na ako kaso lang lumang address yung nasa system nila hehe
      I think bago lang dn yung systema sa pag register ng registered voter. Bale pag election time na, ipapadala yung ballot sa bahay ng registered voter.

      Last time nag election for president, pinadala sa old address ko kaya hindi ko nareceive. hehe
      Last edited by orangedays; 05/12/2017, 11:19 AM.
      services offered: paypal / credit card pabayad / airline booking (cebupac, jetstar, pal, delta, etc) , pabili (sa online shop / auction), translation, pc remote assistance, website

      no calls nor text after 8pm, yasumi time after 8pm..

      Comment


      • #4
        Sa wakas
        Received my passport na
        Last edited by orangedays; 05/12/2017, 11:17 AM.
        services offered: paypal / credit card pabayad / airline booking (cebupac, jetstar, pal, delta, etc) , pabili (sa online shop / auction), translation, pc remote assistance, website

        no calls nor text after 8pm, yasumi time after 8pm..

        Comment

        Working...
        X