Announcement

Announcement Module
Collapse
No announcement yet.

Japanese License Exam

Page Title Module
Move Remove Collapse
X
Conversation Detail Module
Collapse
  • Filter
  • Time
  • Show
Clear All
new posts

  • #76
    Salamat sis sa oras oo nga yung mga tanong na medyo out of this world tinatandaan ko then hinahanap ko sa libro hirap intidihin ng english nila,o tlagang hirap lang talaga ako sa ingles??
    SB 09094587909 AU 09082837067 postal account:15410 35153951

    di bale ng tamad..Hindi naman pagod...

    Comment


    • #77
      Mahirap din makapasa ang nagtatrabaho pero kung pursigido walang impossible.

      Melomae pagpray kita/kayo wag ka magalala. Lahat ng nagtake ng test dumaan sa ganyan pero nagkaroon ng lisensya.Lam mo ba yung kasabayan ko na nagtake ng 50 question test naka 9 syang take pero yung 100 test 2 take lang kasi na master na nya sa kakaaral sabi nya.

      Jhoyz speaking of english may ibang word silang ginagamit unfamiliar sa akin kaya kaharap ko pa dictionary yung Amber meaning Yellow pala, saka mga number iniiba iba.Saka oo tama ka mahirap maintindihan yung english sa textbook.

      Kaya basahin talaga maigi kapag may oras pa habang nagtetake ng test.

      Good luck!
      INSECURE people do their best effort to make someone worse..
      while CONFIDENT people make someone worse by just doing nothing..

      Comment


      • #78
        Salamat sis, nakapasa na ako sa kari menkyo 49/50. Super saya!!! Stage 2 na ako.nakapagdrive na ako sa labas. May nakita akong filipin jin sa school lastime mag-exam sya next week pero relax lang sya kasi may kopya sila sa sagot ng karimenkyo test. Super shock ako kasi grabe study ko then sila may copy���� advantage pala talaga kapag marami kang kakilala at kaibigan. Hehehe kaya lang kakatakot din kasi kadalasan hindi pala totoong kaibigan. Hehehe pero salamat sis ha.. Mas mabuti naman talaga mag-aral kasi advantage yun para next exam hindi na mabagsak hehehe����

        Comment


        • #79
          Melowmae Omedetou yokatta ne masaya rin ako para saiyo.
          Tama ka na dapat nagaaral wagka mangopya at buhay mo at nakasakay sa kotse mo ang nakataya kapag di mo alam ang ginagawa mo habang nagdadrive.
          Saka konti lang ang points ng beginner sa driving wala ring silbi ang pagtake ng test ng pangongopya kung mawala rin sayo agad ang lisensya mo.
          Pano kung mahuli ka baka mablock list ka di ka na makapag take mas lalong mahirap.

          100 naman ang test mo wag kang mag laktaw ng araw ng di nagaaral kasi makakalimutan mo agad.

          Good luck.
          Last edited by guchi; 02/05/2015, 10:34 PM.
          INSECURE people do their best effort to make someone worse..
          while CONFIDENT people make someone worse by just doing nothing..

          Comment


          • #80
            maitanong ko lang po, nag pa asses nako sa license center, hinahanap nila yung certificate from LTO para sa restriction 1,2 and 3.. ang tanong anong exact na certificate ang hihingin ko sa LTO para makakuha ako ng ganitong certificate, kasi ipa request ko na lang sa kuya ko para siya nalang pumunta sa LTO at tsaka pala yung history ng license kung kelan nakuha ang first license then date ng mga renewal. may pagkakataon kasi na na expire licensse ko na ndi ko agad na renew kasi nasa ibang bansa ako bukod sa JAPAN.

            Comment


            • #81
              share lang po,, kanina hapon nag apply ako sa driving school at "loan" ang kinuha ko (wala pang cash ) then tinawagan ako nun banko na nagpapa loan. na deny po ang loan ko, bakit kaya? complete ko naman na fill up-an un form, 3yrs visa & haigusya po ako. sabi ksi ng husband ko baka daw kasi 3yrs spouse visa at hindi nikkeijin (pero almost 10yrs married na kami).

              pa advice naman sa ibang me ganitong experience sakin, kung anong pede kong gawin next step.

              Comment


              • #82
                Medyo mahirap po yata kumuha ng loan sa bank kapag hindi pa PR.

                Comment


                • #83
                  meron po kasi na divorced & sa anak galing un visa pero nkpag loan sya dun din po sa same driving school na inaplayan ko kanina

                  Comment


                  • #84
                    ano po ang hiningi sa inyong dokumento ng nagpapapa-loan? kung may payslip kayo or withholding tax cert ay makakatulong yun.

                    bukod sa visa, isa pang kino-konsidera nila sa pag-aprub ng loan ang kakayahang magbayad ng aplikante.

                    Comment


                    • #85
                      Gaya ng sinabi po ni Liciuz, malaking factor po yung trabaho at nagbabayad ng tax. And Kung nakapag loan po yung anak ninyo doon before, kamusta po yung payment history? Wala naman po bang naging delay sa pagbabayad? And natapos na po ba yung loan?

                      Comment


                      • #86
                        Noong ako ang nagloan sa bank PR kaagad ang hiningi sa akin.
                        Hindi ako pogi,mabait lang.

                        Comment


                        • #87
                          yun driving school meron sila ang nag re recommend, un mga nag da drving lesson meron silang loan, cash & deposit/installment.

                          wala po akong history ng loan sa kahit saan, magtu 2yrs pa lang ako d2 sa japan with 3yrs spouse visa, wala naman hiningi mga requirements un driving school basta pag fill up ko ng form, ni fax nila un application ko dun sa loan company then umuwi muna ako sabi kasi tatawag un loan company for interview, tumawag naman konting interview, then sabi call back daw sila, pag call back nila ayun denied ang loan ko

                          sabi ni husband try na lang ako ulit next yr pag naka 3yrs stay na ko d2 or mag try ulit this yr pero ibang drivng school & apply ng with deposit then installment un kulang.

                          Comment


                          • #88
                            Buhayin ko lang po yung thread, di pala biro kumuha ng lisensya, aabot ng 15 lapad, nag paplano po kasi ako kumuha... may inooffer sa fb na parang mga promo, ito po isa sa nakita ko

                            https://www.dreamsdrivingschool.com/rates, nabasa ko din na pwede pala iloan ito? paano po kung walang cc? ok lang ba kung yung pag kuha ng lisensya ay paputol putol? 1 beses per week ang punta? may nag sabi po sa akin na mas mura pag pang motor na 50cc lang ang kukuhanin na lisensya or mahal pa din? gusto ko nang lumipat ng work kaso lahat ng makita ko walang offer na dorm, saka sayang yung mansion na nalipatan namin kung lilipat lang..kaya nakita kong solusyun ay kumuha ng lisensya..

                            Comment


                            • #89
                              May drivers license po ba kayo sa pinas Gaano na kayo katagal sa japan Ako kasi hindi ako dumaan sa school dito, nagpaconvert lang po ako Shempre dumaan dn sa test dito sa japan. Anyway, ask mo na lang sa school kung paano kung walang cc.
                              services offered: paypal / credit card pabayad / airline booking (cebupac, jetstar, pal, delta, etc) , pabili (sa online shop / auction), translation, pc remote assistance, website

                              no calls nor text after 8pm, yasumi time after 8pm..

                              Comment

                              Working...
                              X