bilang mga babae .. minsan me bagay tayong nd natin pinapansin sa katawan natin ..
kung kelan masama at nd na maganda ang mararamdaman saka lang tayo mag papatingin
sa Dr ..

ugali din nating ikumpara ang nararamdaman sa mga kaibigan kesa isanguni ito kay Dok ..
mali yan mga bebe .. meron o walang nararamdaman pumunta na agad sa Hosp at magpatingin

share ko ang karanasan ko last year ...alam na din ito ng mga dating Forum Member mga ka FB ko
ako po ay na Diagnose ng Carcinoma in Situ IV ~ Severe Dysplasia .. (cervical Cancer)

halos ikamatay ko ng sabihin ni Dra sa akin yan ...mga naramdaman ko
...spotting in between meanstration ..
...spotting pagkatapos namin ni hubby
...pangangati una bihira pa lang pero last 2 years medyo dumadalas
...meron ako minsan malansang disposal ...
...matinding pananakit ng balakang

nd lang po ito para sa cervical cancer ... sabi ng kaibigan ko ganito
din daw sa kanya meron syang Mayoma ..

na operahan na ako at naalis na ang abnormal sa cell sa cervix ko last year (October)
mula noon at ngaun .. dapat pa ding tuloy tuloy ang check up ni Dra at screen ng paulet ulet
ang cervix ko ..

ZERO stage cancer ako Thank GOD .. at naagapan ko agad ...hetot malakas pa ako sa elepante ...
naaawa ako sa friend ko kasi .. nain ganyo lang syang mag pa cervical screening ...

Dyos Ko ... 2nd screening ng matuklasan ng Dr ...
stage 2 cancer sya ...ni wala daw syan naramdamam kahit ano man
sa pinagdaanan ko .. un pala baliktad ang tubo ng mga abnornal cell sa cervix nya
na nd nakita sa unang screening ..

tapos na din ako sa Mammography .. Lung , Liver,Kidney,Pancreas,Heart, Colon
lahat lahat ng lamang loob napatignan ko na ...

YES nd birong gastos ..kahit meron kang Medicare .. nd po lahat yan covered medicare ..
gagastos ka ng 1~3 lapad bawat screening .. at kayo mismo ang magre request nyan
sa Dr nyo ..

kaya ingat mga bebe .. bigyan natin ng panahon ang ating mga sarili ma magpatingin
habang maaga ng wala pang nararamdaman kakaiba sa katawan

habang maaga mag pa insured na po kayo ng CANCER HOKKEN malaking tulong ito sa
pagpapagamot

importanteng mag pa PAPSMEAR 2X a year .. me anak o wala bastat
meron kayong kalaro ..