PASAKALYE

May mga taong napadaan lang sa buhay natin, tumigil sandali at kadalasan umalis din agad, at sa bawat stop over nila sa mga buhay natin may mga ala-ala silang naiiwan sa puso natin. JDumating na ba sa punto na nasabi mo sa sarili mo ang mga katagang:
"sana di ko na lang sya nakilala"... o di kaya "okay naman ang buhay ko noon bakit kailangang guluhin pa nya?"pwede ding "sana makalimutan ko na agad sya"
Eto ang mga katagang nasasabi ng mga taong labis nasaktan sa pag-alis ng isang importanteng tao sa mga buhay nila.

Marahil lahat tayo ay dumaan na, dumadaan na o dadaan pa lamang sa ganitong sitwasyon... parte siguro ng buhay na maiwan tayo.
Naisip ko ano bang mas pipiliin natin?
Ang di na lang sya/sila nakilala, na tila estranghero nalang sila, wala tayo pakialam sa kanila, wala tayong alam sa kanila, walang siya o hindi sila kabilang sa buhay natin?
o di kaya pwede ding nakilala natin sila, pinahalagahan natin sila, naging parte sila ng buhay natin kaso sa huli nawala din sila? L

Mahirap mamili lalo na't emotion natin ang nakasalang.Karamihan siguro mas pipiliin yung nauna, na SANA kung may pagkakataon lang, SANA di na lang sila nakilala para hindi nasasaktan sa huli. Walang tigil na tanung sa sarili na puro nag sisimula sa SANA.

ika nga nila... LOVE HURTS --kahit kailan hindi nakakasanayan ang masaktan,..kahit paulit ulit mo ng naramdaman pakiramdam mo palaging yun ang unang beses ang mag mahal at ang mabigo at magmahal muli hanggang sa makatagpo ka ng para sa iyo o magdesisyun ka na ito na ang para sa iyo kasi nakakapagod ng naghanap at umasa.

Araw araw ay right time pag hindi natin ni-grab hindi wrong timing ang tawag dun kundi WRONG MOVE. J

Hindi din ako naniniwal na kung kayo talaga para sa isa