Kagagaling ko lang sa Kamata Ruteru Youchien ( Kamata Lutheran Kindergarten )
by April 2012 papasok na kasi sa nursery ang bunso ko
dito na rin napasok dati ang mga kuyas nya
nagustuhan ko dito , kasi limited lang ang mga mag aaral
sa isang klase nasa hanggang 35 lang na mag aaral
sa loob ng school compound , nandoon na rin ang church
pag linggo may Sunday school ang mga students
pero depende lang din , kung papasok o hindi.

Binigyan ako kanina ng enrollment form at listahan ng babayaran
sa umpisa ay mag da down ata ng pera 14 ka lapad
kasali na dito ang uniform , bag etc,...
bawat buwan ang babayaran ay 26,000 yen
at may iba pang mga babayaran , kaya di ko mabasa

Excited na rin akong makita si bunso na papasok na
hatid sundo na naman ako neto
parang ang bilis l ng panahon
ngayon , lahat ng mga anak ko ay nasa school na

Sinulat ko ito para mag karoon ng idea ang mga ka SP natin
para mapag handaan ang mga gastusin lalo na at papasok na
sa Youchien ang mga bulilit ...
di ko alam sa ibang Youchien o Hoikuen
ito ay dito sa area namin Kamata Ota - Ku , Tokyo

Mas mabuting mag sudan o mag research na sa mga school
Youchien man o Hoikuen na malapit sa inyo
para po ito sa pasukan sa April 2012
mas mabuti na yong maaga , kasi ang iba di na tinatanggap kasi puno na
may limit din kasi sa mga estudyante ...

Sya mga ka SP .. Gambaremashuo ....