sarap ng buhay
sarap mabuhay kasama ng mga mahal mo
kain sa labas
bilin lahat ng type mo kahit dina "need"
mag picture taking to death sa lahat ng magandang places
tumawa ng malakas halos mabingi na lahat ng makaririnig
gawin lahat ng gusto mo
until one day
dimo akalain
sa isang simpleng ubo,sakit ng ulo,panghihina
simple lang naman ayus lang yan
biglang hindi pala
maririnig mo sasabihin ng doctor
confine ka
kala mo ayus lang lalabas agad ako
yun pala
dun na magiging tahanan mo
unti unti mararamdaman mo
di pala simple to
kinulong na nila ako
bawal na ako sa madaming bagay
iiyak ka
magwawala
hanggang matatakot
at luluhod
hihingi ng tulong sa lahat ng posibleng makatulong
dahil ayaw mo pang mawala
may mga anak ako
maliliit pa sila
gusto ko silang alagaan
bumuo pa ng mas maraming magandang masayang araw
kasama pamilya ko
huwag! huwag ako
halos maubusan ka ng lakas sa pagmamakaawa
wag naman
pero
nakatakda ang bawat bagay
di dahil dika mahal kaya mo naranasan
di dahil bingi ang langit kaya dika nadidinig
di dahil may kinikilingan kaya ikaw ang nakaranas
para sakin
ang buhay
minsan lang darating
minsan kalang magiging napakasaya
minsan mulang makikita ang mga anak mo na bata
minsan molang mararamdaman iyo ang lahat
dahil walang di nagbabago
walang di nabubulok
walang di naluluma
walang di naglalaho

para sakin
ang buhay ay ngayun
samantalahin ang bawat pagkakataon
maging masaya sa lahat ng segundo ng buhay
mahalin hanggat kaya magmahal ng kapwa
gawin ngayun mga nais mo
pero isang bagay
lang
hanapin mo at kilalanin at tangapin lumikha sayo
para anung bagay man makaharap mo
mamaya o bukas
dika matatakot
o mag aalala
dahil alam mo san ka
pupunta.at sino ang bahala sa kanilang iiwan mo.

-just sharing