PDA

View Full Version : Tunay na kaibigan



angelkisses777
05/29/2011, 05:52 PM
Dati di ako naniniwala na mahirap makatagpo ng tunay na kaibigan dito sa japan,pero nang may makilala na akong mga pilipina dito dun ko lang nalaman ang katotohanan,minsan nakakapagtaka na maraming pinoy ang di maganda ang pakikisama o pakikisalamuha sa kalahi nila,sa totoo lang tayo ang magkakampi sa dayuhan bansang ito pero baligtad yata sa mga nakikita,nababasa at naririnig ko parang kung sino pa yung magkababayan sila pa yung mortal na magkaaway sa dayuhang bansang kanilang tinutungtungan.,,
naalala ko nun ng talento pa ako pag naglalakad kami sa labas at may mga kalahi na nakakita sa amin talagang sumisigaw pa sila na"Kababayan kumusta ingat kayo"pero sa panahon ngayon wala na yatang ganito..minsan yung iba isnaban na lang at titingnan ka na lang mula ulo hanggang paa..
may ituring ka man na kaibigan o kapatid sa bandang huli tutuklawin ka pa rin..,
haizzt!ang buhay nga naman...,

higoichi
05/29/2011, 06:15 PM
Ang masasabi ko lang po, medyo kakaiba po ang pag-uugaling nakikita ko sa mga Pilipinang nakatira dito. Hindi tulad sa samahan na nakita ko nuong nasa Dubai pa ako. Talagang totoong tao at tapat ang malasakit. Hindi tulad sa mga halos nakasalamuha ko nang Pilipina rito. Para bang mayruon silang kung anong pinagmamalaking kung anu, pero ang hindi nila alam, mas nasasalamin sa kanila ang kahinaan at kababaan ng pagkatao. Kunsabagy po, mahirap din namang magtaas-noo kung may mga lahing Hapon pa rin na mababa ang turing sa atin dito. Imbes na magpakita tayo ng kababaang loob, may ibang kilos garapal. Kaya mangilan-ngilan lang ang maituturing na kagalang-galang sa paningin nila. Nakikita rin nila kasi na hindi maayos ang samahan ng bawat isa sa atin, maraming siraan, at inggitan. Lagi ko itong natatanong sa sarili ko. Parang may kung anung lason ang nakuha ng mga kapwa natin ditong nakakalimot sa pagpapahalaga ng pakikisama sa kanyang kapwa.

angelkisses777
05/29/2011, 06:15 PM
mga dahilan na sa tingin ko eh pinagsisimulan ng di pagkakaroon ng magandang relasyon o pakikipagkaibigan sa kapwa pilipino..
1.marami sa ating mga pinoy na pag nakarating sa ibang bansa at makahawak lang ng malaking salapi di na lumilingon sa pinanggalingan,wala ng nakikilala..
2.payabangan at payamanan sa pagbibida ng naipundar sa pinas,pag nasapawan dyan na magsisimula ang alitan.
3.yung iba kukunin ang loob at tiwala mo,pag nakuha na dyan ka na ibabagsak...
para sa akin isa lang nagpapabago sa tao ang pera at ang pagiging gahaman sa materyal na bagay...
baka may idadagdag pa kayo mga sister,hehehehe..,

angelkisses777
05/29/2011, 06:24 PM
thanks sis higoichi for sharing....
pero ng lumindol at nagkatsunami nagkakatipon tipon at nagkaisa ang bawat magkakalahi,hapon,pinoy,amerikano at iba pa..
pinapakita sa atin ng Diyos na nasa bandang huli tayo rin ang magtutulungan,at ang trahedya ang magpapatunay at susubok nyan sa atin,dahil ang pera at materyal na bagay matatangay at mawawala o masisira yan pero ang pagiging isang dugong pinoy o anupaman lahi yan ang magbubuklod sa atin at mananatili...

luckygirl
05/30/2011, 10:26 AM
ako rin sis iba mga pinay dito sa japan, kasi sa HK kami dati nakatira. nandun kasi family namin nalipat nalang dito sa japan dahil nadistino dito hubby ko, ibang-iba tlga mga kabayan natin dito lalo na mga pinay mga MAYAYABANG! yung tipong kala mo super star! sa HK nd ko naexperience ung ganun. may mga pinay pakong feeling super sossy pero once alamin mo background hayz.. ni hindi nakatapos kahit high-school pero sobra magyabang.. tsk..tsk..tsk.. hirap talaga maghanap ng friendship dito, sabi ko nga sa asawa ko mas gusto ko bumalik sa HK kesa dito kaso shoganai kami sa ngaun kasi kailangan sya dito sa Jpan...

summergirl
05/30/2011, 11:31 AM
no comment ako hanggat di ko nakakasama ang tao..meron akong very close friend dito sa japan.,.more than 10 yrs na kaming magkasama dito ko lang sya nakilala pero parang magkapatid na ang turingan namin..im a very friendly type of person..binabati ang lahat pero iba ang trusted friend ko..wala sa place yan.....sa personality ng tao..

angelkisses777
05/30/2011, 01:30 PM
swerte mo naman sis summergirl at isa kayo sa nakatagpo ng tunay na kaibigan,unang pagsasama namin ng asawa ko dito sa nihon may nakilala akong babae nun na ibang iba sa mga nakilala kong pinay ngayon kaya lang nawalan kami ng komunikasyon agad dahil nagkaproblema sya sa visa di ko alam kung nandito pa sya o sa nasa pinas pa,minsan swertehan lang talaga pag may natapat sa iyong mabuting tao,meron din naman akong mangilan ngilan din akong kaibigan pero di ko pa naman sila nakikilala ng lubusan dahil sa phone lang kami nagkakausap...

ms.A
05/30/2011, 01:53 PM
swertehan lang talaga sis ,,,ako rin takot makipag kaibigan kaya kakaunti lang mga kaibigan ko nakakatrauma kasi yun pagkatapos mong pakisamahan ng maayos bandang huli malalaman mo ikaw pa sisiraan hay naku nakakatauma talaga ako naman may kaibigan thai jin naman sya mas maganda samahan namin parang ate ko na sya walang halong yabangan inggitan at siraan yun samahan namin makikita mo talaga sa kanya na concern sya sa akin at mga anak ko lagi syang nag aadvise at lgi akong lumalapit sa kanya kapag may problema ako ,,,,napaka totoong tao siguro ganun nga sis hindi mo mo masasabi kung anong klaseng kaibigan sya hanggat di mo makikilala yun pagkatao nya....ako naman kpag may nakita akong hindi maganda sa ugali umiiwas na lang ako agad at ayokong makipag close close kuno^-^

girly
05/30/2011, 02:29 PM
kaibigan ano nga ba ang true meaning ng TRUE FRIEND ?

kaibigan madami po tayo kaso iilan ang mapapagkatiwalaan mo !

maski naman di kaibigan kakilala kaya ako mas ang sakin yung mapapag katiwalaan ka...

minsan kase andyan anyung kakaibiganin ka nun pala me dahilan

gagamitin ka o uutangan ka o estafahin ka o memaitim nabalak like Nicz aka ...

pero bagu ka makipag kaibigan syempre di bata alam natin kun ano ang hangarin sayo ..

nasa saatin nayan ..

pero pag nakakita ka ng true frend syempre bigyan mo ng halaga ..

madami pa naman kahit di kayo magkita in person dahil malayo mararamdaman mo naman na tunay syang kaibigan ..

reira143
05/30/2011, 02:56 PM
tama malalaman molang ang tunay na kaibigan kung makakasama mo sa iisang bubong..meron naman kahit dmo pa nakakasama sa iisang bubong malalaman mona ugali the way na kung pano sya makipagusap at makitungo sa isang tao..naku lalo naman dito sa hiroshima wala na dito pakialamanan kung anu man ang lahi mo pag nagkita sa isang lugar hndi na nagpapansinan..kaya ako pag may nakikitang pinay yuyuko nalang ako kasi naranasan ko dati may nginitian ako sa isang convini aba hndi pinansin ang beauty ko :laugh: parang napahiya ako sa sarili ko..kaya hndi nako ngumingiti kung may nakikita akong pinay yumuyuko nalang ako :becky: .kahit yung mga naka trabaho ko dito walang pakialamanan..nasanay nadin ako pero nakakamiss nung talent pako..sobrang damayan pag may problema ang isa sa kasama namin sa apartment..ngaun kahit nakikita kanang problemado walang dadamay sayo as in hndi ka nila papansinin ang masakit pa kapalit nun lalaitin kapa at sisihin kung bakit ngyari sau yun at pagtatawanan..pero may naka close talaga ako 2 lang na pinay yun sa trabaho ko nakilala mabait kasi sila at magaan loob ko..pero nung nagwork ako sa tokyo lahat ng nakasama ko sa trabaho wala akong masasabi kundi napakaswerte ko sobrang bait nila kahit baguhan kapa lang hndi ka papakitaan ng hndi mganda..at pag pumapasyal ako yung mga pinay na nasasalubong ko tatanungin muna ako kung pinay ako tapos konting kwentuhan kaya nkakamiss sa tokyo hehe..

EvelynSalt
06/07/2011, 12:41 PM
hay totoong totoo talaga tong sinasabi ng original poster at ng ilan nating mga kapatid dito..ewan ko ba kung bakit ganito mga pinay dito.ako rin sa nuong una manghang mangha kung bakit ang sama ng ugali ng ibang mga pinay na nandito..karamihan kasi parang mga inggitera tapos, traydorin ka pag nakatalikod ka. iyong iba naman magaling lang pag may kailangan at pag mangugutang.
Halos mag 15 yrs. na ako dito sa Japan pero hanggang ngayon hirap na hirap pa rin ako makahanap ng totoong kaibigan.Noong nagwowork pa ako marami ako mga kaibigan kachika pero halos nagkawalaan na rin kasi yong iba..umuwi na sa Pinas or yong iba naman napalayo na ng lugar,nagkawalaan na mga number.Minsan nga mas gusto ko pa ibang lahi na kaibigan dito sa Japan kasi mas ok pa kesa sa kapwa pinay. Napansin ko nga yong iba dito masyadong pasosyal kuno,bili dito bili don ni hindi marunong magipon tapos pachinko pa ng pachinko,halos araw araw nagpapatalo ng mga ilang lapad pero puro reklamo pag natalo naman pero di pa rin tumitigil.
Nagtataka nga asawa ko sa kin at bakit daw di tumatagal mga friendship ko dito.bakit daw ganon mga pinay.ako nga parang nawalan na ng gana at nawalan na ng tiwala makipagkaibigan kasi nga ang hirap makahanap ng totoo talaga sa yo. Marami ako naging kaibigan na pinay noon na inaabuso lang ako,inaabuso yong pagiging mabait ko sa kanila.Tapos malaman laman ko kung ano ano pala pinagsasabi sa akin pag nakatalikod ako,pati hitsura ko,pati katawan ko kung ano ano na pinagsabi..sa isip isip ko.wala na siguro mahanap na sasabihin sa kin kaya kahit pati katawan ko pinansin.
Ang sarap rin kasi sana ng may totoong kadamay dito sa Japan lalo nat kami lang lagi ng anak ko at asawa ko kung tutuusin dito sa Japan. Iba rin kasi mga pamilya sa Pinas,di nila talaga alam ang tunay na kalagayan dito sa Japan.akala nila natutulog lang sa pera.kaya minsan maganda sana kung may kahingahan ng loob.haaayyyyyy..Sa Amerika kaya ganyan din mga Pinay don ??

japphi
06/08/2011, 09:29 AM
Makikisagot....
Sa Amerika daw...may mga payabangan din daw....Pero yung family ties natin katulad sa Pinas ay andoon pa rin.
More on family bonding at pakikisama....kaya yung samahan daw doon ay parang ganoon din sa atin...at ibang iba dito sa Japan.

Sa tinagal tagal ko na rin dito...almost 24 years na....noon ay wala akong mga kaibigan...mayroon man...masasabi ko lang na kakilala.
Kasi iba ang meaning nang isang Kaibigan...sa kakilala o aquaintance....

Mahirap talagang makipag kaibigan dito sa Japan...ni kahit nga kamag-anakan mo kung minsan ay lolokohin ka rin nang dahil lang sa material na bagay.
Hindi ko naman nilalahat...pero marami sa mga Kababayan natin ang may pagka-tupper ware he he he...aminin man o hindi....at siguro ay isa na ako doon...
Hindi ko kasi sasabihin na OK akong kaibigan....s'yempre ako sa sarilii ko mabait akong kaibigan....sa sarili ko lang yon....
Pero ang tutoong makakapag sabi nito ay ang taong nasa paligid,na nakaka-salamuha ko at hindi ang sarili mismo.

Matagal na rin ako sa mga forums....at dito ko rin nakilala ang halos mga kakilala,kaibigan,ka-eb...naka-sagutan na etc....
Halos sa kanila ay sa forum lang.....pero may mga natitira naman na hanggang ngayon ay may communication pa rin..kahit na hindi nagkikita.
May mga kababayan din tayo na kumbaga ay inapakan na ang pagkatao ko....sa forum lang naman yon...
Pero OK lang yon...sa forum lang naman eh....be yourself wika nga....Kung yon ba ang nakikita...malaking challenge sa akin yon....no hard feelings.
Ang maganda kasi doon...kahit na ba inapakan ka...kailangan na alamin kung bakit...hindi yung sasagot ka nang pabalang sa sinabi...na yon ang pinagmumulan
nang awayan...........maging broad-minded in all aspects of friendship....kailangan din na intindihin kung bakit sila ganoon....may root o pinagmulan kasi.

Katulad ko...iang beses na rin akong na-snob nang mga kababayan sa daan...titingnan ka mula ulo hanggang paa...at para na ring sinabi na "sino ka ba..kilala ba kita?"
Kaya magmula no'n ay hindi na ako nag-greet pag may nakikita akong kababayan.

Mahirap masabi na talagang kaibigan mo ang alam mo na kaibigan mo........
Depende din naman kasi sa nakikipag kaibigan....ito ay sarili ko lang naman na pananaw....

OK sa akin na kahit na ano basta alam ko o basta ok na i-share...bakit hindi.
Na alam ko naman na yung iba ..iba ang tingin pag ganito....MAYABANG daw.........

Sa akin kasi....magtitiwala ang isang tao...KUNG...ipagkakatiwala mo sa kanya ang pwedeng nyang malaman.Ang kaibigan kasi hindi lang naman sa payabangan o material na bagay mo makukuha...disiplina...moral at emotional...hindi mo makukuha sa one sided lang....at hindi rin naman masasabi na kaibigan ka nga kung kahit na alam mong mali s'ya ay i-o-OK mo pa rin para lang hindi s'ya magalit.
Kaya mo nga itutuwid yung mali nya...kasi KAIBIGAN ka....at dumedepende rin naman s'ya sa'yo kasi alam nya kaibigan ka.

Yung iba naman kasi palibhasa ay mataas ang p-inag-aralan...ipagkakait nila ito....gusto nila na s'ya lang ang nakaka-alam....Para nga naman masabi na marami s'yang alam...
Pero...sa atin na andito sa ibang bansa...ibang lugar na masasabi nating naghahanap talaga tayo nang talagang kaibigan...kahit kapalit man lang nang naiwan nating pamilya doon.
pero...yung iba naman pag pinakitaan mo nang kabutihan...sasamantalahin ka naman....dito ka dapat maging wise....medyo umilag ilag na rin....
May kaibigan din naman na kayang i-sakrapisyo ang material na bagay para magising ang isang kaibigan.....at ito ay hindi kakailanganin nang galit o pag-aalipusta...dito nasisira ang pagkakaibigan.........kailangan dito ay diplomasya....na pwede namang mabalik muli ang pagkakaibigan.

Pero...ang pinaka-mahalaga d'yan....ilagay sa isip na pagpunta nang Japan...wala kang kakilala...wala kang Kababayan...kundi'y ang asawa mo lang ang pwede mong maging kaibigan.....Kaya kailangan na s'ya ay pahalagahan...
Kasi...pag komaru na...s'ya at s'ya lang ang makakatulong sa'yo.....s'ya pa rin ang pwede mong takbuhan pag nagka-problema...sa pamilya mo dito o sa pamilya man doon.

Ang pagkakaroon nang isang mabuting kaibigan...sa palagay ko...mag-uumpisa yan mismo sa'yo..sa pamamahay mo...sa pakikisama sa mismong pamilya mo..sa asawa mo...sa anak mo.Kasi kung problematic ka sa pamilya mo...sa asawa mo...sa anak mo....sa invironment mo.....lilitaw at lilitaw yan sa pakikipag-kaibigan mo.
Pag...nakumpleto yan na kahit hindi perfect...dahil sa wala namang perfect....d'yan ka mag-umpisang ibaling ang atens'yon sa kung makaka-hanap ka ba nang tutoong kaibigan....at yung nabanggit ko na DISIPLINA...DIPLOMASYA....BROAD-MINDED...SAKRIPISYO...MORAL-EMOTIONAL....hindi man perfect na mabubuo yon....at least magkakaroon ka nang magandang pundasyon bilang MAGING isang KAIBIGAN......

Pero ....ang Tutoong KAIBIGAN ay nasa tabi mo na....naghihintay lang sa'yo nang responde para magkaintindihan kayo.....at ito ay ang sarili mong pamilya....o ang asawa at anak mo............ano sa palagay ninyo...??

girly
06/08/2011, 09:37 AM
ohayo tama ka sis Japphi
napakaganda ng paliwanag mo

andyan na lahat
agree !

True friendship is a precious gift. Your friend will provide the most understanding, loyal, trustworthy, helpful relationship this world could offer. This can be a family member, neighbor, co-worker or childhood comrade

Friendship is a state that arises from the attachment of two people that is built on mutual esteem, trust, good will, and in special cases - love

angelkisses777
06/08/2011, 03:32 PM
Makikisagot....
Sa Amerika daw...may mga payabangan din daw....Pero yung family ties natin katulad sa Pinas ay andoon pa rin.
More on family bonding at pakikisama....kaya yung samahan daw doon ay parang ganoon din sa atin...at ibang iba dito sa Japan.

Sa tinagal tagal ko na rin dito...almost 24 years na....noon ay wala akong mga kaibigan...mayroon man...masasabi ko lang na kakilala.
Kasi iba ang meaning nang isang Kaibigan...sa kakilala o aquaintance....

Mahirap talagang makipag kaibigan dito sa Japan...ni kahit nga kamag-anakan mo kung minsan ay lolokohin ka rin nang dahil lang sa material na bagay.
Hindi ko naman nilalahat...pero marami sa mga Kababayan natin ang may pagka-tupper ware he he he...aminin man o hindi....at siguro ay isa na ako doon...
Hindi ko kasi sasabihin na OK akong kaibigan....s'yempre ako sa sarilii ko mabait akong kaibigan....sa sarili ko lang yon....
Pero ang tutoong makakapag sabi nito ay ang taong nasa paligid,na nakaka-salamuha ko at hindi ang sarili mismo.

Matagal na rin ako sa mga forums....at dito ko rin nakilala ang halos mga kakilala,kaibigan,ka-eb...naka-sagutan na etc....
Halos sa kanila ay sa forum lang.....pero may mga natitira naman na hanggang ngayon ay may communication pa rin..kahit na hindi nagkikita.
May mga kababayan din tayo na kumbaga ay inapakan na ang pagkatao ko....sa forum lang naman yon...
Pero OK lang yon...sa forum lang naman eh....be yourself wika nga....Kung yon ba ang nakikita...malaking challenge sa akin yon....no hard feelings.
Ang maganda kasi doon...kahit na ba inapakan ka...kailangan na alamin kung bakit...hindi yung sasagot ka nang pabalang sa sinabi...na yon ang pinagmumulan
nang awayan...........maging broad-minded in all aspects of friendship....kailangan din na intindihin kung bakit sila ganoon....may root o pinagmulan kasi.

Katulad ko...iang beses na rin akong na-snob nang mga kababayan sa daan...titingnan ka mula ulo hanggang paa...at para na ring sinabi na "sino ka ba..kilala ba kita?"
Kaya magmula no'n ay hindi na ako nag-greet pag may nakikita akong kababayan.

Mahirap masabi na talagang kaibigan mo ang alam mo na kaibigan mo........
Depende din naman kasi sa nakikipag kaibigan....ito ay sarili ko lang naman na pananaw....

OK sa akin na kahit na ano basta alam ko o basta ok na i-share...bakit hindi.
Na alam ko naman na yung iba ..iba ang tingin pag ganito....MAYABANG daw.........

Sa akin kasi....magtitiwala ang isang tao...KUNG...ipagkakatiwala mo sa kanya ang pwedeng nyang malaman.Ang kaibigan kasi hindi lang naman sa payabangan o material na bagay mo makukuha...disiplina...moral at emotional...hindi mo makukuha sa one sided lang....at hindi rin naman masasabi na kaibigan ka nga kung kahit na alam mong mali s'ya ay i-o-OK mo pa rin para lang hindi s'ya magalit.
Kaya mo nga itutuwid yung mali nya...kasi KAIBIGAN ka....at dumedepende rin naman s'ya sa'yo kasi alam nya kaibigan ka.

Yung iba naman kasi palibhasa ay mataas ang p-inag-aralan...ipagkakait nila ito....gusto nila na s'ya lang ang nakaka-alam....Para nga naman masabi na marami s'yang alam...
Pero...sa atin na andito sa ibang bansa...ibang lugar na masasabi nating naghahanap talaga tayo nang talagang kaibigan...kahit kapalit man lang nang naiwan nating pamilya doon.
pero...yung iba naman pag pinakitaan mo nang kabutihan...sasamantalahin ka naman....dito ka dapat maging wise....medyo umilag ilag na rin....
May kaibigan din naman na kayang i-sakrapisyo ang material na bagay para magising ang isang kaibigan.....at ito ay hindi kakailanganin nang galit o pag-aalipusta...dito nasisira ang pagkakaibigan.........kailangan dito ay diplomasya....na pwede namang mabalik muli ang pagkakaibigan.

Pero...ang pinaka-mahalaga d'yan....ilagay sa isip na pagpunta nang Japan...wala kang kakilala...wala kang Kababayan...kundi'y ang asawa mo lang ang pwede mong maging kaibigan.....Kaya kailangan na s'ya ay pahalagahan...
Kasi...pag komaru na...s'ya at s'ya lang ang makakatulong sa'yo.....s'ya pa rin ang pwede mong takbuhan pag nagka-problema...sa pamilya mo dito o sa pamilya man doon.

Ang pagkakaroon nang isang mabuting kaibigan...sa palagay ko...mag-uumpisa yan mismo sa'yo..sa pamamahay mo...sa pakikisama sa mismong pamilya mo..sa asawa mo...sa anak mo.Kasi kung problematic ka sa pamilya mo...sa asawa mo...sa anak mo....sa invironment mo.....lilitaw at lilitaw yan sa pakikipag-kaibigan mo.
Pag...nakumpleto yan na kahit hindi perfect...dahil sa wala namang perfect....d'yan ka mag-umpisang ibaling ang atens'yon sa kung makaka-hanap ka ba nang tutoong kaibigan....at yung nabanggit ko na DISIPLINA...DIPLOMASYA....BROAD-MINDED...SAKRIPISYO...MORAL-EMOTIONAL....hindi man perfect na mabubuo yon....at least magkakaroon ka nang magandang pundasyon bilang MAGING isang KAIBIGAN......

Pero ....ang Tutoong KAIBIGAN ay nasa tabi mo na....naghihintay lang sa'yo nang responde para magkaintindihan kayo.....at ito ay ang sarili mong pamilya....o ang asawa at anak mo............ano sa palagay ninyo...??

isang malaking check!thanks po ate japphi sa pagshare at makakatulong ang inyong ibinahagi para mabuksan ang isip ng lahat sa tunay na kahulugan ng tunay na kaibigan...

kc_naiki
06/08/2011, 04:21 PM
mga dahilan na sa tingin ko eh pinagsisimulan ng di pagkakaroon ng magandang relasyon o pakikipagkaibigan sa kapwa pilipino..
1.marami sa ating mga pinoy na pag nakarating sa ibang bansa at makahawak lang ng malaking salapi di na lumilingon sa pinanggalingan,wala ng nakikilala..
2.payabangan at payamanan sa pagbibida ng naipundar sa pinas,pag nasapawan dyan na magsisimula ang alitan.
3.yung iba kukunin ang loob at tiwala mo,pag nakuha na dyan ka na ibabagsak...
para sa akin isa lang nagpapabago sa tao ang pera at ang pagiging gahaman sa materyal na bagay...
baka may idadagdag pa kayo mga sister,hehehehe..,

correct na correct ka dito sissy,
lalo na ang # 2 & 3..
naranasan ko na rin mga ganito, kaya now ayoko ng makipag-usap sa mga taong nanira at nag-bigay ng sakit ng ulo sakin,
mga kalapit lugr na lang eh,,

at dag-dag ko rin ----> di nawawala ang INGGITAN sa japan...
basta nadala na ako at natuto narin..

pero meron din naman me na maituturing na true friend,
yung di ka iiwan, lagng masaya pag mag-kakasama...
medyo malayo na nga lang sa lugar namin
pero mas ok na yun...basta walang sirain at inggitan sa samahan...

Clew
06/15/2011, 12:49 AM
true friend? proud po ako sbihin n I married my best friend. :) at s wakas mgksma nrn kme ngayon.

ilang months p lng po aq d2 s japan, wla kakilala s lugar n to, mlyo din s family ng husband ko..pr pong srili nmin mundo d2..
so much to say na tlgang sabik po aq mgkron ng pinay friends d2..pro mhrap nga. mrmi po aq nki2ta s mall pro hnd nmn po aq mklapit..nttkot aq mphiya o dedmahin lng.hnd nmn din po nla aq pansin,,ewan ko kung dhil b s hndi aq mukhang foreigner,,mjo ngbeblend po kc aq s mga hapon dhil me pgkasingkit po aq..hehe,,
nkklungkot lng po tlg n mdlas mgisa k lng s bhay pg ns work asawa,,nkkmiss din ung meron k nkkchikahan n kbbyan mo,iba kc ang understanding pg gnun.

hnd ko po mssbi n perpekto aqng kaibigan, pro ayoko po tlg ng mkkagrabyado aq ng iba.kung hndi ko gusto ang isang tao,un lng un,hndi aq ggwa ng isang bgay n mkksma s tao n un..unless sya naunang gwan aq ng hndi mgnda.
nani2wala po ako n mrmi p din po mbu2ting kaibigan s japan,especially d2 s SP..i hope to gain real friends like the people here. :)

louvette15
06/17/2011, 03:10 AM
dati nung bago-bago pa lang ako sa japan, ang daming ko frens kaso unti-unti nawalan ako ng gana sa kanila kasi hindi ko naman sila nilalahat pero ang na experience ko sa kapwa pinoy ko eh ung manggagamit. nandyang gagawing driver daddy, mama at asawa ko etc. kmi ni mama, hindi naman kmi kumakai kaso ung mga hapon nmin pupunta pang malayong gasoline station para makatipid ng 1-2 yen tapus hindi magbibigay ng gas dai na ang ngyayari para hindi kmi ingayan mag ina ng mga hapon nmin, kmi nlng nagbibigay ng gas dai. hanggang sa naging lagi-lagi nlng kc kaya ako na mismo ang dumistansya. ngaun, maliban sa mga pinay na kasama ko sa omise, wala na akong kaibigan kc mendoksai. may pace kc akong tao.

wala nman akong nagiging problema lately sa mga katrabaho kong naging fren ko kc work lng ako. ako tinatanong nila pero ako hindi nagtatanong sa kanila. nakakatawa lang ako kc ung isa emphasize na emphasize nya ung "dapat daw may parang atama kin ang hapon sa kanya bago nya pag iisipang pakasalan". praktikal nga kaso matatawa ka habang nakikinig sknya kc pera-pera na sya. nakakaawa para sa akin. pero naisip ko din na syempre iba-iba kc ang pananaw ng bawat isa, siguro gnun lang sya. fren kmi pero hindi sya isa sa naka-ii ko. gusto ko prin ung mga pinay na sa kabila ng panahon, pera at experience sa japan, katulad prin sila sa mga pinoy na nsa pinas kng umasta at mag isip about sa bagay-bagay.

hindi ako isnabera. khit nasalubong ko lang o nkita sa hakyen shop o kalsada na mga pinoy/pinay binabati ko nman kaso hindi na ako gnun ka sociable ngaun. hindi na rin ako ung tipong pumupunta sa mga bahay bahay ng kakilala o ganun kabilis mkipag bff.

Estong
06/18/2011, 09:18 PM
Korek kayo diyan.

Dagdag ko lang....
1.Ang isang tunay na kaibigan ay natutuwa sa iyong mga tagumpay na wala kang makikitang inggit sa kanyang mukha.
2.Ang isang tunay na kaibigan ay nalulungkot sa iyong mga pagdurusa....kasamang lumuluha at tumatawa.
3.Walang hinahalintulad sa bagay na nasa kanya sa mga bagay na nasa iyo.

p.s
Ang isang tunay na kaibigan ay hindi pogi,mabait lang nyahahahaha(pero mas maganda kung pogi na mabait pa).

Isa pang p.s
Mayroon isang pinay na namimili sa aking pinagtatrabahuan.Lagi niya akong tinitingan mula paa hanggang ulo na para bang sinusukat niya ang pagkatao ko.Minsan di siya nakatiis at tinanong ako kung magkano daw ang sweldo ko sa isang oras.Sabi ko di ako binabayaran ng oras kasi isang buwan na halaga ang sweldo ko....tiningnan ulit ako mula ulo hanggang paa at inulit ng mula paa hanggang ulo.Tapos tinanong ako kung may bala daw ako.Sabi ko oo meron,permanent ako....sabay sabi ba naman na maniwala ako! Iniwanan ko nga ang bwiset!Maghanap siya ng kausap niya.Ilang araw ang nagdaan nalaman ko na TNT pala ang pangit!Pwe!!!!!!Buti na lang at nakapagpigil pa ako.Muntik ko na siyang hamunin ng kurutan sa singit eh hahahaha.

guchi
07/04/2011, 04:07 PM
Opinion ko lang may kanya kanya kasi tayong pag-uugali at hindi natin pwede makontrol ang iba.Kung aasahan mo na dapat ganito ganyan ang itrato sayo na pagkakaalam naman ng friend mo sapat na ipinapakita nya e mag-aaway talaga kayo.Dapat talaga alam mo lang ang dapat mo ikwento at sa mga friends naman mas magandang wala na kayong alam para in the end hindi kayo ang sisisihin.

Nakakakita rin ako ng mga pilipino dito pero hindi ko talaga pinapansin hindi naman ako suplada, gusto ko lang na inuunahan ako.