PDA

View Full Version : paniniwala sa paghahanda bago manganak ang isang buntis...



devilRed
11/22/2011, 07:13 PM
konbawa mga sis... buntis po kasi ako at medyo magulo ang isipan ko tungkol sa paghahanda ng mga gamit sa paglabas ni baby...

Sino po ba sa inyo nakarinig na kapag may nagbigay sa isang buntis ng baby bed para kay baby ay wag tanggapin dahil may masama daw mangyari sa baby?? kaya parati ko tinatanggihan byenan ko wag muna bumili ng kama o kahit anong gamit ni baby dahil natatakot din ako, dahil medyo nakakapraning lahat ng gamit ay ayoko bumili muna (kahit kama lang naman ang sa pagkaalam ko [pero di ako sigurado kun kama nga lang o lahat ng gamit, para cgurado lahat nalang para sa akin] )

Kaya kahit biling-biling ako tulad ng mga damit ni baby o kahit ano ay pinipigilan ko dahil tatakot ako....

Di ko lang din maiwasan na maniwala dahil may kaibigan ako dito na namatay ang anak nya sa panganganak (first baby pa naman nya at invitro pa)... at may isang kaibigan nagbigay sa kanya ng baby bed ilang buwan palang tiyan nya...

May isang holywood movie o drama ba yon na napanood di ko lng alam title non... buntis ang babae at dahil may paniniwala din sila sa paghahanda ng mga gamit ni baby ay wag ipasok sa loob ng bahay...kaya ang ginawa nila ay ginawan nila ng maliit na bahay sa bakuran nila at doon nila nilalagay lahat ng mga gamit ng baby....

Mga sis pls enlingten me...kayo po bay naghahanda ng mga gamit ng baby nyo bago kayo nanganak during your first pregnancy???? kasi kun sa pangalawang pagbubuntis na ay meron ng mga pinaglumaan si panganay na magagamit pa ng bunso kaya ok lng naman yon...

first pregnancy ko palang kasi at 5 years din kami mag-asawa nag-antay dahil hirap din ako magbuntis at dalawang beses nakunan kaya ganito nalang ako kaingat sa pagbubuntis ko ngayon...

Mga sis kayo po bay naghahanda ng mga gamit ni baby lalo na mga damit nong sa una nyong pagbubuntis??? sa damit lang naman kasi biling-bili, sa kama kasi byenan ko na ang bibili non...

sweetie81
11/22/2011, 07:35 PM
Omedetou sis..Depende po yan sa pag-iingat,lalo na maliit pa si baby nyo po :) ..Meron naman akong kakilala na binilhan po sya ng baby bed para sa anak nya..Wala naman pong nangyari sa anak nila at malusog pa nga ipinanganak nya.Noong buntis pa po ako,after ng malaman yung gender ni baby namin saka lang po kami bumili ng mga gamit.Wag ka pong mag-isip kung ano-ano and think positive :) Keep on Praying para sa baby nyo po.Bili ka na lang pakunti-kunti mga gamit ni baby mo.Ganbate ne :)

devilRed
11/22/2011, 07:51 PM
marami salamat sa pagpansin sa hinain ko sis sweetie81... nakaka enlightened po ang sagot nyo, medyo nawala wala gulo ng isipan ko maniwala ba o hindi kasi sabik ang lola bumili ng damit ni baby hehe...dami kasi mga cute don sa laketown na gusto ko bilhin baka may makabili iba...hehe!!!!

soulrima26SP
11/22/2011, 08:30 PM
omedetoo po.tama po si sis sweetie81.just pray to god and always take care of yourself po. Okay din lang po ang pagbili ng gamit ni baby in advance .pero alalay lang po sis.unahin ang maselang kalagayan para okay ang lahat.ingat po ulit.

devilRed
11/22/2011, 09:12 PM
salamat sa reply sis soulrima26SP , pray tlga ako lage para sa kaligtasan namin mag ina kasi tatakot ako manganak... yong kaibigan ko namatay anak nya dahil pinilit ng doctor sa normal delivery kaya medyo na trauma din ako kaya lage pray ako ng pray safety panganganak ko... salamt sissy...

Estong
11/23/2011, 12:09 AM
Hindi ka nga bumili ng mga gamit at di ka tumanggap ng bed ng baby bago ka manganak eh kung todo wala ka namang ingat sa katawan mo at sa baby na nasa sinapupunan mo ay tiyak na di ligtas ang iyong panganganak.Yung mga pamanhiin ay ang dahilan kung bakit di umasenso ang Pilipinas.Di daw dapat magsuklay kapag gabi.....e bakit ang mga nagtatrabaho ng panggabi laluna yung mga nagbibihis sa mismong work place nila ay nagsusuklay at malalaki ang kita nila?
Take good care of yourself at ang iyong baby para manganak ka ng safe at malusog ang iyong anak.Ihanda na po ninyo ang mga gamit ni baby baka paglabas niya ay sabihan pa kayo na...."ngayon pa lang kayo bibili ng damit ko at mga gamit eh giniginaw na ako winter pa naman!"Hahahahaha.Goodluck po!

devilRed
11/23/2011, 01:16 AM
Hindi ka nga bumili ng mga gamit at di ka tumanggap ng bed ng baby bago ka manganak eh kung todo wala ka namang ingat sa katawan mo at sa baby na nasa sinapupunan mo ay tiyak na di ligtas ang iyong panganganak.Yung mga pamanhiin ay ang dahilan kung bakit di umasenso ang Pilipinas.Di daw dapat magsuklay kapag gabi.....e bakit ang mga nagtatrabaho ng panggabi laluna yung mga nagbibihis sa mismong work place nila ay nagsusuklay at malalaki ang kita nila?
Take good care of yourself at ang iyong baby para manganak ka ng safe at malusog ang iyong anak.Ihanda na po ninyo ang mga gamit ni baby baka paglabas niya ay sabihan pa kayo na...."ngayon pa lang kayo bibili ng damit ko at mga gamit eh giniginaw na ako winter pa naman!"Hahahahaha.Goodluck po!

salamat sa reply bro estong...may tama po kayo kaya nagulohan ako dahil nagtatalo isipan ko...sabi ng kabilang isip ay kalokohan kun di ako maghahanda kaya ako gumawa ng thread para ma enlighten narin...baka may iba tayo marining katulad ng nangyari sa friend ko...kasi kun ganon nga ang maririnig ko sa mga reply ay baka mas matakot ako at wag nlng maghanda lalo, saka nalang paglabas ni baby, pwedi nman c byenan nalang bibili habang naka nyouing ako, saglit lng naman dami malapit tindahan,alam na ni byenan kun ano ano kailangan ng baby, lalo na pangwinter na damit... isipin ko nalang walang mawawala kun maniniwala....if ganon lng naman ang matatanggap kong reply dito...

Parang minsan kasi kun wala naman mawawala kun maniwala di paniwalaan nalang,o kun di naman mahirap gawin ang pamahiin nayon, ok lng cguro kun paniwalaan... tulad ng nangyari sa 2 previous pregnancy ko na magkasunod na taon ako nakunan...hanggang sa narinig ko sa kaibigan ko na (may asawa amercano) sa pamahiin daw ng amercano ay wag daw muna ipagsabi kahit kanino kun buntis ka until 3 months... nako ako dahil masaya 4 weeks palang tawag agad sa pinas para ibalita at sa mga friends ko (may regular check up kasi ako kaya alam ko agad na buntis ako) yong first ay wala na tlga nakita na heartbeat, yong 2nd ectopic kaya pina abort...
Kaya dito sa 3rd pregnancy ko ay wala na akong pinagsabihan until 3 months, ngayon 8 months na tiyan ko..parang effectiv payo ng friend ko, kaya todo ingat ako ngayon at dasal..pero ganon paman di namn lahat kasi yong mga celebrity na buntis la pa 3 moths ay balita na agad....dependi iwan ko bat ba ganon...la naman ako idea sa mga pamahiin nayon, puro huli ko na marinig pero nangyayari..

Sa pag iingat naman...syempre maingat ako pero di naman as in OA sa ingat, may exercise din ako at kumikilos gawaing bahay...

Yong friend ko, sobrang ingat nya dahil invitro at may Edad narin, pati pagkain maingat sya at di kumakain sa restaurant, pero pagkapanganak namn niya namatay baby nya dahil ang Doktor naman ang di nag-iingat sa kanya... sobrang nakakalungkot...

pero dami salamat tlga sa mga nagreply...rampa na ako laketown ulit bukas baka maunahan pa ako don sa gusto kong damit para ni baby.. nag iisa lng kasi maliit na size na yon...hahahaha!!!

kheysi
11/23/2011, 02:29 AM
Hi sis,

Ako naman, hindi talaga ako naniniwala sa mga pamahiin or sabi-sabi. Nasa pag-iingat mo po yan.
And kung bigay sayo ni God, kahit bumili ka ng gamit, tumanggap or hindi, lalabas ng safe si baby mo.

Gogogo sis, bili ka ng gamit ng malibang ka rin. Masarap mamili, nakakatuwa. At least pag happy ka, happy rin sa loob si baby.
Wag ka na masyado magisip ^^

Estong
11/23/2011, 09:59 AM
Ang pamanhiin parang hula....may nangyayari na coincidence at di naman nangyayari.Sabi magugunaw na daw ang mundo pagdating ng year 2000 eh year 2011 na tayo ha?Nandito pa tayo genking genki nyahahahaha.

reina0817
11/25/2011, 11:14 PM
Sis,bili ka na ng mga gamit ni bebe mo.kasi ako nong buntis ako sis 5 mos.yong tiyan ko.pumunta kami ng Jinja bandang Tokyo.mga buntis dun daw kasi sila pumupunta kaya dinala ako ng biyenan ko.tapos nong alam na namin gender ni bebe si biyenan din halos ang bumili ng mga gamit.yong pamahiin sis di kasi ako naniniwala.Sa malapit ka pala sa Laketown sis.saan ka ba manganganak?sa Sugawara byoin ba?hehehe

devilRed
11/26/2011, 01:42 AM
@mod estong....ang galing mo mod estong....tama! COINCIDENCE lang... dapat yan ang ini-input ko sa utak para di na ako ma praning...hehe!!!

@sis kheysi, @reina0817.... salamat mga sis! namili na kami kanina ng mga byenan ko sa Arion kasi may opening don na mga gamit pang baby at maternity kaya ayon napadami kami first time kasi namili..hehe!!! tuwang-tuwa ako..haha!!!
Sis reina, sugawara ka rin ba? sugawara din kasi ako since 2008 at don na din ako manganganak...pabalik-balik na tlga ako sa byouin na yon!!!! Lapit din ako sa laketown sis mga 2 stations lang... Sis anong meron sa jinja? temple ba yan?

reina0817
11/26/2011, 11:45 AM
Sis,oo Sugawara Byoin ako nanganak sis.medjo mahal nga lng sya pero sulit naman ang room ganda parang hotel.hehehe...Yong Jinja na pinuntahan namin sis Suitenggu ang name ng Jinja sis.baka alam yan ng biyenan mo kasi kilala na Jinja sya.gambatte ne.

devilRed
11/26/2011, 07:19 PM
mahal pala ang sugawara sis...kala ko tama lng... aabot kaya ng 50 lapad sis kun normal delivery?



Sis,oo Sugawara Byoin ako nanganak sis.medjo mahal nga lng sya pero sulit naman ang room ganda parang hotel.hehehe...Yong Jinja na pinuntahan namin sis Suitenggu ang name ng Jinja sis.baka alam yan ng biyenan mo kasi kilala na Jinja sya.gambatte ne.

reina0817
11/26/2011, 09:28 PM
Sis,yong sa akin kasi ako lang isa sa room kaya sguro medjo mahal ang nabayaran namin.ang sensei kasi ang nag request na ako lang mag-isa sa room kasi nga sis ang Taas ng BP ko nong time na yon.42 lapad yong galing sa city hall sis.nagdagdag pa kami ng 6 lapad.sarap ng pagkain nila sis.

devilRed
11/26/2011, 10:57 PM
tnx sa reply sis reina...mahal pala ng sugawara wala pala kami refund matatanggap...hehe!!! ang pagkaalam ko wala ata dalawang pasyenti sa isang kwarto, isahan lang ata..di lang ako cgurado, nasabi lng kasi ng kaibigan ko...

reina0817
11/26/2011, 11:02 PM
ur welkam sis.oo nga sis mahal sa sugawara kaya kami walang natanggap na refund.hehehe.merong room sis na pede apat at meron ding 2 person.

guchi
11/27/2011, 02:42 PM
Omedetou:)
Nyeee! me ganon!....Hindi ko alam na may mga pamahiin kasi yung panaganay ko ibang gamit nya mga pinaglumaan ng mga friend kong pinoy walang baby bed yung mga nalalabhan lang ang tinatanggap ko.

Nung makapanganak ako hindi rin kami nakapag handa 1st time kasi kaya yon ang mahirap kasi hinahanap ng nurse asan ang ganito ganyan etc.... kaya si hubby ko ang bumili kahit nakakhiya ultimo napkin:p.

9 months preggy na ako 2nd baby mauuna ako sayo devilRed at ang pinaghahandaan ko ng sobra ay ang pagpapabreastfeed at sapat na lakas hinahanda ko na ang katawan ko para makaraos kami ng safe.

Huwag ka masyado magisip madali lang naman yang maghanda ipaubaya mo muna sa byenan at asawa mo basta ikaw relax lang kayo ni Baby.

devilRed
11/28/2011, 12:36 AM
omedeto sis guchi lapit kana... nahihiya tuloy ako masyado ako nagpapaniwala kaya ako sobra nagpapasalamat sa mga nag reply dito lumalakas loob ko... bukas nga rampa na naman ako laketown mag isa dala exercise na din...di kc kami natuloy hubby lastweek sa laketown kasi may opening sa arion... ako din la pa masyado idea kun ano ihahanda, pati naman byenan ko la din idea kasi kalimutan na nya... antay nalang ako sa byouin baka may ituturo sila kun ano ano dapat ihahanda...mga damit lang kasi ni baby alam ko...waaa hirap... kaya mga damit nlng muna nabili namin ng mga byenan ko kasi pati feeding bottle, pampaligo ni baby di namin alam antay nlng daw kami may ituturo ang byouin...hehe!!!
Tama bahala na cla byenan ko at asawa ko ... gusto din naman nila yon...haha!!!