PDA

View Full Version : Disiplina sa Anak



JaF
11/13/2011, 01:04 AM
May mga kilala ako at nakikita ko paano nila disiplinahin ang kanilang mga anak.
Kunting pagkakamali lang ng anak, pinapalo agad. May iba naman subsob na sa trabaho, kaya pagdating ng bahay dahil sa pagod nasisigawan ang anak.
Yung iba naman galing sa laro/sugal di na naasikaso ang pamilya.
Naririnig ko pa sa kanila na napakahirap magpalaki ng bata dito.
Oo, mahirap talaga dahil iba ang kinagisnan natin. Gusto nating ipamulat sa kanila kung paano tayo pinalaki ng ating mga magulang.
Ngunit hindi lahat ng disiplinang ipinamulat ng ating mga magulang ay pwede nating ipamulat sa ating mga anak dito sa Japan.

Paki share naman po paano kayo mag disiplina na pwedeng makatulong sa pagpapalaki ng ating mga anak.

JaF
11/14/2011, 10:18 AM
I can share mine.


:hug::love:
Maayos at mahinahon na pakikipag usap sa ating mga anak.
Listen to them.
Most of all give time to them!

kheysi
11/14/2011, 01:38 PM
Hi sis,

Ako guilty diyan sa iba... Na minsan, pag pagod na pagod sa work, napapagalitan, nasisigawan or napapalo ko si baby. Pero unti-unti ko ng nababawasan dahil nga mas lumakaki na siya and ayaw ko lumaki siyang takot otr galit sa akin. Medyo nahihirapan lang siguro ako mag-adjust, sa pinas kase lagi may kasama mag-alaga, may yaya kase siya kaya hindi ako masyado hirap at stress kahit na pagod ako sa work.. Unlike dito, ako lahat..

Share ko lang kagabi, nagaway kami uli. Pinagalitan ko siya kase kumakain pa ng candy, eh gabing gabi na. Bigla pumunta sa may sala, umiyak sabay sabi, keisatsu icchau yo! Waa nagulat ako, di ko alam magagalit ba ako o matatawa. Anyway, meaning lang talaga na, malaki na siya dahil magaling na siya manakot. :p

JaF
11/14/2011, 04:56 PM
Oo sis kheysi, tinuturuan ang mga bata sa hoekuen na magsumbong sa pulis kung hindi maganda ang pagmaltrato ng mga magulang sa mga bata.
Minsan ako nagalit sa anak ko rin nuon at napalo ko ng todo. Pero naisip ko na mali din ako, hindi ko naibigay yung oras na dapat para sa kanya.

Kung sakaling napapatagal sya sa paglalaro~ sabihin sa kanya na ... hal: 5:30 nag umpisa maglaro, at dumating na oras ng kain hindi mo yan basta basta mapapigil.
Bigyan mo sya ng oras para huminto sa paglalaro, ipakita mo yung orasan 6:15 na at sabihin kapag nag 6:30na hinto na sa paglalaro at kakain na.
Tiis lang talaga ang pag aalaga sa bata sis kheysi.
They have also their own freedom...pero alalay lng sa kanila. Kumain ng candy, sabihin mo lng na pagkatapos magcandy mag brush.
Huwag mong ipakita na against ka sa ginagawa nya(kahit na gigil na gigil ka na...) lambing lng at lumanay ng pakikipag-usap sa kanila.

kheysi
11/14/2011, 05:19 PM
Ahh baka nga nabanggit sa hoikuen about keisatsu kaya nabanggit nito kagabi. Di ko naman siya masyado pinagalitan pero sinabi niya yun :(

Ganyan din ako sis, pag nagpplay siya, ssbihan ko mga 10 minutes bago mag time-up na malapit na i-off yung game, buti nga effective na hehe. O kaya sasabihin ko na, after kumain at magshower play. Sumusunod naman. Minsa may tantrums lang talaga, dun ako nastress na minsan kahit ayaw ko sumigaw, napapasigaw. Siguro ontingonting time pa, macontrol ko na rin tong galit ko hehe. Gambarimasu! Kodomo no tame *^^*

guchi
11/20/2011, 12:20 AM
Hindi lahat ng ginawang disiplina ng magulang ko ipinapayo ko sa anak ko hindi rin naman kasi sila perfect.Mahirap talaga maging magulang lalo na't kung akala natin matigas ulo ng mga anak natin pero andun lang pala ang curiosity sa iba't ibang bagay.Ang naisip ko palagi busugin ang anak ko sa pangaral pero grabe din ako magalit yun nga lang hindi ako namamalo.Hindi ko naexperience na nagwala ang anak ko sa Mall paano kapag umiyak sya sinasabi kong hindi na tayo mamasyal, gusto ko kasi matutunan nya ang magtiis.Nagpunta ako sa school nila nung PTA meeting pinanood ko sya kung paano sya mag-aral pagkauwi sa bahay pinagalitan ko.Para kako syang plastik na nagpapadala lang sa tangay ng hangin walang kabuhay buhay binago nya nag-aral edi nakakasunod na sya sa klase 100 na sya sa mga quiz nya.Hilig pa nyan magtanong kung anong dadalhin nya bukas sa school sabi ko ako ba ang nag-aaral? Simula non gumigising na sya ng maaga pinaghahandaan ko na lang ng almusal at ng susuotin nya.Narinig ko minsan kasabayan nya maglakad hinihintay sya anak ko lumabas para tingnan kung may dapat bang dalhin sa school, ngaun ba ang taiso no fuku ayun mga nagmamadali sus ginoo!.Tumutulong din sya sa gawaing bahay nauutusan ko na walang reklamo may mga papremyo ako sa kanya yun ang inaabangan nya at natutuwa sya.Help din ako sa mga assignments nya para matuto din ako.Bago kami matulog madalas kami mag-usap ng anak ko tungkol sa school at mga friends nya.Ipinapaliwanag ko rin sa kanya na gusto kong habang bata pa sya matuto sya kasi mahirap na mabago ang nakaugalian kapag lumalaki na.Ang sabi nya sa akin Mama ni arigatai ippai no, zenbu Mama no okage da ;) sabi ko naman hindi ako ikaw yan pursigido ka kasi at mabait na bata ipagpatuloy mo lang.Nagtanong din ako sa anak ko kung galit ba sya sa akin kasi napapagalitan ko sya sabi nya hindi sya galit at tama lahat ng sinasabi ko sa kanya saka kapag nagalit ako maya maya lang back to normal na yun daw ang gustong gusto nya kibishi yasahi daw ako :cool: ang papa naman nya yasahi :D .

Minsan bumisita kami sa mga lolo't lola nya nagtatanong tungkol sa mga pinag-aaralan nya nasasagot nya kaya napupuri sya tuwang tuwa sya.Ang byenan ko naman na babae kontrabida sabi sa akin kibishi daw ako masyado kawawa naman daw ang apo nya my goodness ayaw ko matulad sa kanya na shikari shiteinai umaasa sa iba isip isip ko.

JaF
11/20/2011, 07:57 AM
Thank you sis guchi sa pag share. Napaka importante talaga ang 'communication' ng anak at magulang. Natututuwa ako na tuwing bago kayo matulog ay nag-uusap
tungkol sa school at sa mga friends nya. Isa ito para mailabas ng anak natin ang kanilang mga naging karanasan sa bawat araw na pakikisalamuha nila sa labas.

mitch0911
12/18/2011, 11:34 PM
Ako rin nuon sis madalas ko mapalo anak ko,sobra din kais ang hyper saka lagi ako ninenerbyos lalo pag sa labas panay ang takbo eh malabo ang mata nya kaya sa sobrang pagaalala ko madalas nuon napapalo ko sya sa pwet..Siguro sa stress narin ang bibig ko maingay tlga pero ngayun nagbabago na kasi marunong na sya makinig,sa akin lang sa asawa ko hindi..Pero totoo din ung tinuturuan sila sa hoikuen na magsumbong sa kesatsu pag pinalo sila ng magulang nila,kasi nung minsan pinapagalitan ko sya me kinuha sa bag nya na papel inabot sakin pinabasa ko sa asawa ko un nga na bawal daw yung pagpalo sa mga bata..Lakas ng tawa nming mag asawa,kako pinalo ba kita..?sabi nya bago mo ko paluin..hehe..Ngayun mejo ok na kami,nakakaintindi na sya saka lumalaki na mas madali ng kausapin alam nya na kung anu yung ikagagalit ko,dati naku ang bibig ko nanakit sa kaka sermon ngayun pag me ginagawa syang kasalanan 1 beses ko lang pag sasabihan tapos d ko sya pinapansin hanggat di nag papaliwanag o nag sorry.Ayaw nya daw ng d ko sya pinapansin,mas nakakapag usap narin kami mga ginagawa nya sa hoikuen,anung kinain nya kung kinain nya ba lahat ng gulay..Mahirap din talaga,wala naman ding perpektong magulang..Kapag din naman nasasaktan sila o napapalo natin kahit pa mahina lang masakit din sa atin yun tapos lumalayo pa ang loob ng bata kaya kailngan din talaga ng pasensyang napakahaba..

marshalltom
01/09/2012, 05:40 AM
Ako share ko lang. Ung anak ko bihirang bihira ko paluin at sigawan. Pinagsasabihan ko Lang sia. "Sinasabi ko.."namumuro kna wag mo hntayin bumingo ka ikukulong Kita sa CR"
Anak ko kc lumaki na walang kinakatakutan kc nga bihira makatikim ng palo. kaso pag nagwawala nagbabasag ng gamit at nagsisisigaw pag hndi mo pinagbigyan ung gusto naglulumpasay sa mall nakakahiya.

Sinisisi ako ng mga mgulang ko kc pinalaki ko daw ganun ung Bata.. Kaya pati ung yaya nia tinatadyakan nia pag galit sia.

Hndi ko naman din mapalo at masigawan ewan ko ba di ko na alam Gagawin ko tigas ng ulo minsan pinababayaan ko nalang.

soulrima26SP
01/13/2013, 02:25 PM
usapang disiplina...mahirap po pala talga magpalaki ng anak..share ko lang po anak ni friend..pansin ko lang halos ilang months lang ang agwat ng edad ng anak ko sa anak nya pero when it comes to aisatsu/courtesy po eh di talaga niya gawain or sanay gawin..un din ang pansin ng teacher nya sa kanya kung bakit di niya magawang mag bigay galang..even now na in and out siya sa pagpunta sa bahay namin para maglaro eh parang ala lang ung pag ojama nya sa amin,kung di lang sa mabait ang nanay netong bata eh di ko napinatutuloy sa hauz namin.hay mahirap pilitin pero it really reflect pala sa parents ang gawain minsan ng bata.